Tuesday, September 28, 2010

iskrambol

pink siya at malamig, masarap pag tag-araw
giniling na yelo't gatas, may syrup pa sa ibabaw
matamis na parang halo-halo, abot kaya talaga
kayang kayang bilhin kahit ng mga bata.

mga matatanda ay parang bumabalik sa pagkabata
tuwing iniinom ang iskrambol bumabalik ang alaala
nung panahong ang kanilang tanging problemang iniisip
ay kung paano papasa at mabawasan ang pagkainip.

sadyang ang panahon ay puno ng mga pagbabago
ang dating iskrambol may dagdag nang inihahalo
tulad ng marshmallow, candy sprinkles, at nips
ikaw ang pipili, kung ano man ang iyong trip!

at dito na nagtatapos ang aking maikling pagpupugay
sa iskrambol na sadyang bahagi na ng ating buhay
sana lahat ng tao'y patuloy itong tatangkilikin
sapagkat ito ay isang produktong sariling atin!

No comments:

Post a Comment